Dahil its semmy break na naman at walang gagawin, couch potato muna ako.
=========
Surprisingly nakakatawa as of the moment ang PBB Celeb. Don't know if ma-sustain nila, pero nakakatawa ngayon. First 2 episodes korny, walang kwenta. Pero panalo nung pinasok si Mariel.
Pamatay Lines ni Mariel:
To hausmates: i'm so gonna die...i'm gonna die, i'm gonna die...i'm sorry i know you guys are happy but i just can't believe i'm here...huhu...I have no clothes! Paano ako maliligo??? Im gonna die! Im gonna diiiiie! Oh my god. Oh my god, oh my god! Im gonna die!
To kuya: I'm gonna diiiiiiie! Waaah!
Kuya: Mariel. Before you die...
Alavet. Saving grace siya ng pbb. hahahah!
=========
Napalipat lang sa Studio 23 yung ate ko kanina, tapos voila! Desperate Housewives. Yung sa may controversial scene pa yung naabutan namin. Yung nasa clinic si Teri Hatcher. Tapos hinintay namin yung controversial line, kaso pffft! wala. Inedit na. Iba na yung sinabi ni Teri Hatcher. Wala nang philippines na minention, yung harvard kagad. Pinalita yata yung buong scene para mawala na yung line. Talagang nag effort pa sila na palitan yung scene. Sana yung writer na lang.
=========
Nanonod ako ng digimon tamers sa umaga. Haha! 3rd series yun ng Digimon after nung first 2. (Haler kaya nga 3rd) Hehe. Ito din yung favorite ko sa 4 na series ng digimon na napanod ko. Actually yung 4th na series di ko na natapos kasi ang korny, walang digimon yung tamers, sila na mismo yung nagiging digimon! Kumusta naman yun di ba?!?! May 5th na sa digimon series, kaso di ko pa napanod kasi wala kaming cable. Huhu.
=========
For some reason gusto manod ng kapatid ko ng Marimar eh ang pangit naman. Yun pala hinihintay na maging mayaman siya. Bukas yata yun. Yung mayaman/maldita na siya. Pero ano ba yun? Kanina lang lampa pa siya, bukas biglang malakas na fighting spirit niya. After ko makapanod ng ilang epi nito nagbago na tingin ko kay joyce bernal. Tsk tsk.
========
Napanod ko na yung 1st few episodes ng heroes. Maganda nga. I'm knowing more about myself. (hint: kasi superhero ako. wahahaha!) Pero seriously, ang nagustuhan ko yung incorporation ng concept of self-actualization, trying to be who you're meant to be, embracing the inner freak cheverlyn. hahahah! Very much like Kiwi! Ang quotable quote pa nung voice over sa umpisa at dulo. Parang desperate housewives. Hahah!
========
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment